TUWALYA
(Twilight Spoof)
I’VE NEVER GIVEN MUCH THOUGHT TO HOW I WOULD DIE – but dying in the place of someone I love, seems like a good way to go.
O di ba ang bongga ng intro ko? Wala lang, nag-eemote lang ako. Wala kasing magawa dito sa backseat ng sasakyan ni Mama kasama ang kanyang pangalawang asawa. Kanina pa ako naiinip. Ilang beses na akong na-game over sa Naruto sa PSP. Naubos na rin ang buhok ni mama sa ilong sa kakabunot ko. Kanina pa kasi sya naghihilik sa tabi ko habang busy naman ang ama-amahan ko sa pagda-drive. Ihahatid kasi nila ako sa airport papunta sa isang lugar kung saan hindi na yata tumitila ang ulan. Sa Porks. Pupunta ako sa aking tunay na ama. Bagamat labag sa loob kong umalis sa Phiknics, kailangan kong gawin iyon para hindi masira ang pag-aaral ko.
“Hindi mo na kailangan pang gawin ito anak,” sabi ni mama ng makarating kami sa airport. Halata pa ang mamasa-masang damit nito dahil sa tulo ng laway habang natutulog kanina.
“Gusto ko talaga ito ma, pasensya na.” ang galing ko talagang magsinungaling.
“Ikaw ang bahala. Malaki ka na. Basta bumalik ka na lang anytime na gustuhin mo. Regards na lang kay Chard.” At yumakap sa akin si mama. Ramdam ko ang pangungulila niya. Sana ay ramdam din niya ang pagkadiri ko sa laway nya na kumapit sa damit ko.
“Opo. Bye ma. Wag kayong mag-alala sa akin.” Iyon na lang ang nasabi ko bago tuluyang pumasok sa departure area.
Apat na oras ang biyahe mula Phiknics hanggang Syatel. At isang oras ulit mula doon hanggang Fourth Angela, tapos limang oras naman mula Fourth Angela hanggang Porks. Ganun katagal ang byahe. Pero kung nagmamadali ka naman, pwede kang mag-tren. Isang oras lang. Wala naman sa akin kung gaano katagal ang byahe. Ang pinoproblema ko lang ay ang isang oras na kasama ko si papa. Medyo hindi ako comfortable dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita. Pero infairness, tutulungan nya raw akong bumili ng kotse. Dadagdagan nya raw itong naipon kong pera.
Pagdating ko sa ariport ay naghihintay na sa akin si Chard. Nakatayo siya sa gilid ng isang mobile car. Oo nga pala, si Chard ay isang police sa Porks. At isa rin ito sa dahilan kung bakit gusto kong bumili ng kotse. Ayaw kong ihahatid ako ni Chard sa school gamit ang mobile car. Eeewww!!!
Tila alangan si Chard sa pagyakap sa akin ng magkita kami.
“Good to see you Bell,” oh diba, jenglish pa daw si Chard. “Wala kang ipinagbago. Musta na si Rina?”
“Good to see you too, Dad” taray, naki-jenglish din ako. “Ok lang naman si Mommy.”
Yun lang ang conversation namin at tuluy- tuloy na kami sa sasakyan.
“May nabili na pala akong sasakyan sayo. Medyo mumurahin lang pero sana ay magustuhan mo.” Sabi nya habang nagmamaneho.
“Talaga? Anong sasakyan naman?”
“It’s a truck actually. Chevi”
‘Wow! Chevi’ Sa isip ko. “San mo naman nabili?”
“Sa La Pull.”
“Gaano kamura? Magkano ang idadagdag ko?”
“Naku, Bell, wag ka na mag-aalala. Homecoming gift ko yun.”
“Talaga? Salamat.”
Walang pinagbago ang dating bahay namin. As usual, ang maliit na kwarto sa taas na dati kong tinutulugan nung 4 years old pa lang ako, ay ganun pa rin. Inayos ko na ang mga gamit ko para makapagpahinga na agad. Nakakapagod din ang byahe.
Kinabukasan, ipinagyabang na sa akin ni Chard ang nabili nyang sasakyan ko. Nandun daw sa ibaba. Excited naman akong makita iyon kaya’t nagmamadali akong bumaba kahit nakapantulog pa ako.
“Surprise!” tuwang-tuwang sabi ni Chard ngunit biglang nagbago ang kanyang itsura. “Holy Smoking Asshole!” gulat niyang sinabi ng makita nya ako.
“Why?” tanong ko. Napansin kong naroon din ang isang binatilyo kasama ang isang matanda sa wheelchair. Nakita ko pang nag-apir ang talaga pagtingin sa akin.
“Bell” si Chard, sabay nguso sa akin.
Tiningnan ko ang sarili ko. ‘Syet!’ bulong ko nang makita kong naka-panty lang pala ako. Tinakpan ko ang naglalakihang boobs ko. (joke lang… hindi naman ganun kalaki..) sabay takbong paitaas sa kwarto ko. Dali-dali akong nagbihis at muling lumabas ng bahay ngunit hiyang-hiya ako.
“Here’s your truck!” sabi ni Daddy.
Tingnan ko iyon at talaga namang na-surprise ako. “Wow! Super Dooper Mega Grabe!!!” yun lang ang nasabi ko. Napakaganda niyon. Ngayon lang ako nakakita ng ganung sasakyan.
“Anong tawag dito?” tanong ko kay Chard.
Ngunit imbes na si Chard ang sumagot ay nagyabang ang isang binatilyo. “Yan ang tinatawag na elf.” Sabi niya. “4WD yan. Madalas na ginagamit ng mga construction sa paghahakot ng mga semento.” Dugtong pa niya.
“Talaga? Kaya pala napaka-spacious sa likuran.”
“Yung malaki nyan, ay tinatawag na dump truck…usually ginagamit sa paghahakot ng basura.” Sabi ng taong naka-wheelchair.
“Talaga? Wow naman!” hangang-hanga talaga ako.
“Anyway, Ako nga pala si Jakol.” Pakilala ng binatilyo. “At ito naman ang aking tatay, si Willy.” Itinuro niya ang naka-wheel chair.
“Hi Bell!” sabi ng matanda.
“Hi po. Nice to meet you.”
“Shall we try it?” sabi ni Jakol.
“Sige!” at excited akong sumakay sa elf.
First day of school, buong pagyayabang kong ipinarada ang aking elf sa school. Kitang-kita ko ang kainggitan nila dahil lahat sila ay napapatingin sa sasakyan ko. Ang iba pa ay nagbubulungan kapag napadaan ako sa harapan nila. ‘Mamatay kayo sa inggit!’ bulong ko sa sarili.
Matapos kong i-park ay nagtungo na ako faculty para kunin ang mga kakailanganin ko bago nagtungo sa locker room bitbit ko ang mapa ng buong campus.
“Hi! Ikaw si Isabel Aswang?” tinig mula sa likuran ko.
“Isabela Aswan po! Walang ‘G’ sa dulo. But you can call me Bell for short.” Sabi ko sabay lingon sa kausap ko.
“Hi, I’m Erwin. Welcome sa Pork High School!”
“Thanks,”
“Saan ang next class mo?”
“English.” Sagot ko.
“Tamang-tama, sa banda doon din ang punta ko, ihahatid na kita.”
“Salamat.” At nagtuloy kami sa paglalakad. Muli akong nagpasalamat ng marating ko ang room. Iniwan na niya ako sa may pinto. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.
Naging maayos naman ang dalawang klase na pinuntahan ko. Nakilala ko si Jessa at naging close agad kami. Sya na rin ang kasama ko hanggang lunch break. Naupo kami sa mesa ng iba pang mga kakilala nya. Pinakilala nya ako sa kanila. Smile lang ako at pa-cute. Hindi ko naman natandaan ang mga pangalan nila.
Biglang napunta ang paningin ko sa mga cute na babae at lalaki sa kabilang mesa. As in supe gaganda at ang gwapo nila.
“Sila ang mga Kulets. Sina Edwarf, Emit, Rosa, Alec at Gaspar” bulong ni Jessa nang makita nya akong nakatingin sa mga cuties.
“Kulets?”
“Oo. Mga ampon ni Dr. Kulets”
“Ok.” Napatingin ako sa pinakagwapong papa na halos nakaharap sa akin pero hindi nakatingin. Si Edwarf.
“Wag ka nang umasa pa dyan, napakasuplado at suplada ng mga yan, wala silang ka-close dito. Palibhasa kasi, napakagwapo at gwapa.” Muling bulong ni Jessa.
Matapos ang lunch break ay mag-isa na akong nagtungo sa biology class ko. Kahit medyo kinakabahan ay naglakas ng loob akong pumasok. Nakangiti naman akong binati ng professor ko at itinuro ako sa isang bakanteng upuan.
“Dun ka tumabi sa kanya.” Sabi niya. Nilingon ko ang upuan at na-shock ako sa aking nakita. Si Edwarf. Kilig to the pwet ako habang papalapit sa kanya. Pero hindi ako nagpahalatang kinikilig ako, kunwari ay Maria Clara ako at napakahinihin kong umupo sa tabi niya. Parang isang tunay na dalagang filipina. Alam kong namumula ang aking pisngi sa kilig pero hindi talaga nagpahalata. Ni hindi ko nga sya tinitingnan. Kunwari ay nakatingin ako sa kay prof habang dahan-dahang umuupo. Ngunit hindi ko namalayan na sablay pala ang pwet ko sa upuan.